Una sa lahat, paumanhin na hindi ako nakasulat ng blog entries kamakailan dahil sa mga kaganapan sa unibersidad ko dito sa San Francisco. Ngunit, sa ilang linggo ko ring pamamahinga, nakaisip tuloy ako ng panmatagalang paksa na pag-uusapan ko dito sa In Translation: ang reporma sa Philippine Aviation (paksang panghimpapawid ng Pilipinas).
Sa ilang linggo kong paghanap ng mga impormasyon, balita, at kuro-kuro sa mga kaganapan sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), marami akong nasagap na mga kaganapan sa ahensya, ang pinakapatok ay tungkol sa landas tungo sa pag-angat ng Federal Aviation Authority (FAA) rating ng Pilipinas mula Category 2 papuntang Category 1. Ang Category 1, sa madaling sabi, ay isang kategoryang binibigay sa bansa na sumusunod sa mga alintuntuning inilahad ng FAA tungkol sa seguridad sa mga serbisyong panghimpapawid at tuwid ang mga batas na nauukol sa pagpapatakbo ng mga ahensyang nag-uukol sa transportasyong panghimpapawid.
Ang Category 2, na kung saan kasama ang Pilipinas, ay isang kategoryang binibigay sa bansa na maaaring kulang sa pagpapatupad ng kahit isang batas tungkol sa pamamahala ng ahensyang panghimpapawid na tulad sa mga international standards, o kulang sa pagtatalaga ng mga standards sa civil aviation authority ng isang bansa, na inilathala ng FAA sa mga miyembrong bansa, tulad ng kakayanang panteknikal, trained staff, record keeping, at mga alintuntunin sa pag-inspeksyon ng mga eroplano at personnel.
Ibinaba ang safety rating ng Pilipinas noong Enero 2008 mula Category 1 papuntang Category 2 buhat sa International Aviation Safety Assessment program ng FAA mula noong nag-inspeksyon ang mga opisyal noong Disyembre 2007. Sinabi ng FAA na marami ang pagkukulang ng bansa ukol sa mga batas at alintuntuning dapat inilathala ng pamahalaan upang maging mas-istrikto ang pamumuno ng dati-rating Aviation Transportation Office, na isinara noong 2008.
Mula sa inisyal na 88 na bagay na dapat baguhin ng CAAP at ng pamahalaan, bumaba sa 23 na bagay na kritikal para iangat ang antas ng bansa mula Category 2 papuntang Category 1. Sabi ng CAAP, "minor" lang daw ang gagawing mga pagbabago; sa palagay ko, kahit minor ang mga pagbabago, malaki kung tutuusin ang maitutulong kung gagawin nang agaran ang mga pagbabagong inilathala ng FAA para mabilis iangat ang antas. Ang nakikita kong problema sa CAAP kaya hindi agad-agad matapos ang problema: pabago-bago ang pamamahala sa ahensyang ang layunin ay panatilihin ang kaayusan ng ating mga eroplano at paliparan, kasama na ang pagpapanatili ng mga batas at alintuntunin na nauukol sa kaligtasan ng mga pasaherong gumagamit ng ating mga eroplano at paliparan sa buong bansa, at panatilihin na naaayon sa pandaigdigang antas ang ating mga batas at sistema na ipinapatupad sa bansa. Walang sistema ng disiplina at integridad akong nakikita sa CAAP, kaya tama nga na nadismaya si DOTC secretary Mar Roxas, hindi dahil sa mga obserbasyon ng FAA panel ukol sa technical review na ginawa noong Enero ngayong taon, kundi dahil sa mabagal na pag-usad ng mga repormang dapat ginagawa ngayon ni Director General Gutierrez upang mapabuti at maging mas-matatag ang estado ng CAAP.
Kailan ba matututo ang ating pamahalaan na kahit na marami nang pagbabago ang ginawa ng CAAP, kulang pa rin sa mata ng mga dayuhan? Kailan ba babangon sina Pangulong Noynoy Aquino at Director General Gutierrez sa mga hamon at pagbabagong dapat gawin upang maging mas-katanggap-tanggap ang estado ng CAAP sa mata ng FAA, European Union, at ng International Civil Aviation Organization (ICAO)? Kailan ba masasabing "It's More Fun in The Philippines": kung babagsak pa lalo ang estado ng organisasyong panghimpapawid ng bansa na napag-iiwanan na tayo ng ibang bansa dahil sa korupsyon sa CAAP? Ang sagot: kung tayo-tayo, mga Pilipino, ay magkakaisa at hamunin nang marahas ang ating mga opisyal na iwasan na ang "bahala na" at aksyunan na ang mga kailangang baguhin. Ang aking solusyon sa pagbabago ng CAAP para umunlad ang turismo sa ating bansa:
Iwaksi ang mga corrupt sa CAAP. Dapat nang tanggalin sina Director General Gutierrez at iba pang mga tauhang napatunayan na appointed lang ng Pangulo at dapat italaga ang mga taong bihasa sa mga responsibilidad at bukas sa mga reporma para sa ikakaganda at ikakaunlad ng industriyang panghimpapawid ng Pilipinas.
Tanggalin na ang mga loopholes na ginagamit ng CAAP ngayon at ng ATO noong panahon ni Pangulong Arroyo upang makagawa ng mga palusot at gawing mas-maayos, mas-simple, at standardized ang mga alintuntunin at batas ukol sa mga responsibilidad ng mga namumuno at nagtatrabaho sa CAAP, pati na ang pagsusuri sa mga piloto at mga airline para maging mas-kapaki-pakinabang at de kalidad ang mga taong nagpapatakbo ng ating mga eroplano at mga paliparan sa bansa.
Dapat ipagmadali na ang pagbabasura ng Common Carriers Tax at Gross Philippine Billings Tax na isinusulong ngayon sa Kongreso. Maaring may tumanggi sa pagbuwag ng dalawang buwis, ngunit, malaki na maitutulong ang pagbasura niyan sa ikauunlad ng turismo sa bansa sa pamamagitan ng pagbaba ng pasahe sa mga dayuhang bisitang pupunta sa bansa at mas-magandang kumpetisyon sa mga finished products na inaangkat natin mula sa ibang bansa.
Ngayon ang tamang oras sa pagbangon at pagbabago. Ngayon ang tamang panahon sa pagsulong ng repormang panghimpapawid. Sana tuloy-tuloy na ang pagbabago sa CAAP at NAIA upang matamo ng pamahalaang Aquino ang target na 10 milyong turistang dadalaw sa ating bansa sa 2016.
Sina dating Pangulong Gloria Arroyo at Chief Justice Renato Corona, 2010 (Inquirer/The B Reps)
Marahil ay isang haka-haka lang ito, ngunit, maaari ba nating sabihin na mauulit ba ang nangyari noong impeachment ng dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada at mauuwi sa People Power ang kasalukuyang impeachment proceedings kay Chief Justice Renato Corona? Maari rin bang sabihin na ang pag-i-impeach kay Corona ay isang hakbang tungo sa paglilinis ng pamahalaang Aquino, o ginagawa lang itong ningas cogon at gagawin lang front ng kasalukuyang administrasyon para maipakita lang sa tao kung gaano katapang ang pamamahala ngayon? Maaari rin ba nating sabihin na sa pamamagitan ng pagtatanggal sa pamahalaan ng isang Chief Justice ay mabibigyang-hustisya rin ang mga katiwalian at kaganiban na nangyari noong nasa pamamahala sina Arroyo at ang kanyang mga miyembro ng gabinete? Iilan lang iyan sa mga napakaraming tanong na pumasok sa aking isipan sa pagsisimula ng impeachment trial kay Chief Justice Corona, na tinaguriang kauna-unahan sa kasaysayan ng Republika ng Pilipinas dahil wala pang huwes na nagsilbi sa Supreme Court ang inimpeach ng lehislatura at ng mamamayan.
Kung tutuusin, may dahilan rin si Pangulong Aquino kung bakit sa ibang huwes siya nanumpa noong Hunyo 30, 2010 sa Quirino Grandstand: si Corona ay itinalaga ng dating Pangulong Arroyo bilang isa sa mga huling (midnight) appointees sa Supreme Court, na ang sabi ng nakakarami ay isang huwad at hindi karapat-dapat dahil hindi sang-ayon sa batas na umiiral sa bansa, lalo na noong panahon na siya'y itinalaga ay panahon ng halalan. Ngunit, hindi rin sapat na dahilan kung bakit sa ibang huwes nanumpa si Pangulong Aquino: kung babasehan ang mga patakaran ukol sa paghihirang ng bagong Pangulo, dapat sa Chief Justice manumpa ang bagong-halal na Pangulo sa harap ng mamamayang Pilipino, hindi sa isang associate judge. Sa aking palagay, may karapatan ang bagong-halal na Pangulo na manumpa sa ibang huwes kung may kaukulang dahilan na naaayon sa nakakaraming tao, at kung pagbabasehan ang track record ni Corona na inilalathala ngayon sa Senado, siguro nga na tama ang hakbang na ginawa ni PNoy para makasuhan ang Chief Justice ng bansa.
Ang aking paghuhusga kay Corona, base sa mga inilabas na dokumento sa Senado noong nakaraang linggo, ay isang guilty na huwes na dapat ikulong dahil ginamit niya ang kanyang kapangyarihan sa pagmamanipula ng mga batas na nagbibigay-pabor sa dating administrasyon at humahamon sa malinis at tuwid na pamamalakad ni Aquino. Buhat sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, at Net Worth, ginamit niya ang pera ng bayan at buwis ng mamamayan para sa pansariling interes (hindi natin maaaring sabihin na nakinabang rin ang kanyang pamilya) at winaldas ang pera mula sa mga paghuhusgang dumaan sa kanyang kamay bago wakasan ang mga kaso, para rin sa kanyang pansariling interes. Hindi ko man napanood ang impeachment trial, ngunit, ang aking opinyon sa mga huwes na sumusuporta kay Corona ay may mga pagkukulang sa pag-iisip sa mga nakaambang mga parusang maaaring ibato kay Corona kung siya'y huhusgahan ng Senado. Hindi sapat ang dahilang gusto kong ipaglaban ang ginawa ni Corona sa Supreme Court kung pagbabasehan ang mga tagong-yaman na itinago niya mula sa paningin ng mga mamamayan; bagkus, isa lang itong frame-up para itago ang totoong baho ng Chief Justice para hindi siya mabuking -- lalo na't nakasalalay rin kung guilty ang dating Pangulong Arroyo sa mga kasong korupsyon at pandarambong.
Isa itong leksyon sa mga opisyal ng ating pamahalaan ang impeachment trial na dinadanas ngayon ni Corona sa malinis na pamamahala. Kung isa kang matinong opisyal ng gubyerno, wala ka dapat na ikakatago o ikakahiya sa ibang tao dahil tapat ka sa iyong ginagawa at inaamin mo ang iyong mga pagkukulang at pagkakamali. Lahat tayo ay nagkakamali at nagkukulang, ngunit, kung ginagawa natin ito nang patago at kakaunti lang ang nakikinabang sa mga gawain mo, marahil ay may magbubuking sa iyong ginagawa na maaaring dahilan sa iyong pagkakatanggal sa serbisyo. Kung walang korupsyon, walang makikinabang sa masamang gawain ng ibang tao, at uunlad ang ating bansa -- iyan ang dapat nating tandaan.
Isang linyang hango sa ating pambansang awit, Lupang Hinirang, ay may linyang "duyan ka ng magiting". Anong ibig sabihin nito sa pangkasalukuyang konteksto ngayon? Marahil ay dahil sa tinatamasa nating kalayaan ay nakapaggawa na tayo ng marka sa mundo na ang mga Pilipino ay matapang at kayang makipagsabayan sa ibang mga lahi. Ngunit, dahil sa pag-unlad ng ating bansa, may mga nalilimutan na yata tayong mga magagandang pag-uugali na napalitan na ng mga ugaling hindi kanais-nais: ang pagiging makabayan ay napalitan na ng "globalization", ang bayanihan ay naging palaitan ng kapwa, ang maka-Diyos--na hango sa Panatang Makabayan--naging gahaman at mayabang. Sigurado ba tayo sa tinatakbo ng ating bansa na tayong mga Pilipino ay talagang magigiting, o nagpapanggap lang tayo sa ibang lahi para lang tayo'y maging "in"?
FM Declares Martial Law/Wordpress
Hindi madaling isipin na sa paglipas ng panahon--at sa pagdaan ng maraming Pangulo--naiiba na ang mukha ng Pilipinas sa mundo. Noong dekada-50 (1950s), ang Pilipinas ay ang ikalawa sa pinakamaunlad na bansa sa Asya; Japan lang ang nauna. Ngunit, noong panahon ng Batas Militar (Martial Law), nahadlang--kung hindi namatay--ang ating pag-unlad sa buong rehiyon dahil sa katiwalian, kaguluhan, at kapahamakan na tinamasa at binato ng rehimeng Marcos sa ating lipunan. Siguro nga, naging mas-maayos ang bansa dahil bumaba ang krimen at lumago ang ekonomiya at umasenso ang ating lipunan; tandaan na ang Batas Militar ay isa ring doble-karang espada (double-edged sword) na sumira sa reputasyon ng ating bansa dahil sa pag na ang naging resulta ay ang paglalim ng kahirapan sa ating mga kababayan. Iyan ba ang ibig talagang sabihin ng "duyan ka ng magiting": dahil sa kapabayaan at pagwawaldas ng pamahalaan, nalugmok ang Pilipinas sa isa sa mga pinakamahirap na bansa sa Asya, kundi ng mundo? Sumuko ba tayo sa mga pananakot ng pamahalaan dahil hindi tayo naging mulat sa mga katotohanan ng pamumuno ni Marcos? Hindi. Kung walang People Power Revolution, hindi natin naituldok ang mga katiwaliang ginawa nina Ferdinand at Imelda; kung wala sina Ramos at Enrile na tumiwalag sa pamahalaan noong Pebrero 1986, maaaring dumanas tayo ng "civil war" na ikinatapos sana ng milyun-milyon nating mga kababayan. Naging magiting tayo sa pakikipaglaban laban sa isang huwad na diktadura.
Noong panahon ni Pangulong Gloria Arroyo, may mga haka-haka na dahil sa kaguluhan sa Mindanao (na nangyari rin noong panahon ni Marcos) ay ilalagay niya ang bansa--kung hindi lang ang Mindanao--sa Batas Militar, isang motibong ikinabahala ng sambayanan dahil maaaring gamiting muli ang taktikang ito sa pangingikil ng mga karapatang pantao at pagwasak ng ating ekonomiyang itinayo mula noong panahon ng dating Pangulong Fidel V. Ramos. Marahil ay ipinatupad ito sa ARMM (Autonomous Region in Muslim Mindanao) para lusubin ng mga militar ang kuta ng mga teroristang grupo tulad ng Abu Sayyaf at Jaamal Islamiya. Pero, ang pinakanakakabahala ay ang implikasyong maipapakita nito sa paningin ng ibang bansa: mabuti na lang na hindi itinuloy ni Arroyo ang Batas Militar; ipinalit naman nito ay ang mga "under-the-table deals" na naging dahilan ng pagbulusok ng "trust ratings" ng mga Pilipino sa pamahalaan.  Sa kontekstong ito, maaari pa ba natin sabihin na ang Pilipinas ay lupa ng mga magigiting dahil sa hindi wastong pamamalakad ng ating pamahalaan at pinagtutuunan lang ng pansin ang kanilang pansariling kapakanan? Papaano ba natin maisasalba ang ating reputasyon na tayo ay isang masipag, matatag, at magiting na mamamayan?
NAIA Terminal 2/Picasa Images
Mukhang kung kakayanin lang natin, maaari tayo maging Overseas Filipino Workers (OFWs) at magtrabaho sa iba't-ibang panig ng mundo para makapaghatid ng kahit kaunting kaginhawaan sa ating mga pamilya. Ang sahod na ipinapadala ng mga OFW natin ay katumbas ng dugo, pawis, at sakit na dinadaing ng ating mga kababayan sa ibang bansa, na kung minsan lang sa isang taon--o kaya napakaraming taon--umuwi sa Pilipinas para makapiling ang kani-kanilang mga pamilyan. Sabi nga noon ni Pangulong Arroyo, ang OFW ay ang mga bagong bayani natin dahil sa kanilang walang-katapusang kasipagan, katatagan, at kagitingan na tinatamasa sa mga trabahong ginagawa nila na inaalay sa mga mahal nila sa buhay sa Pilipinas. Milyun-milyong mga OFW ang nagtatrabaho sa iba't-ibang bansa, mula Amerika hanggang Australya, Saudi Arabia hanggang Singapore, at inaasahang dadami pa ang mga gustong magtrabaho sa ibang bansa para matulungan ang kanilang mga pamilyang mairaos mula sa kahirapan. Sa aking palagay nga lang, dapat na ring tuunan ng pansin ng ating pamahalaan kung papaano paunlarin ang mga trabahong inaalok sa Pilipinas dahil napakalaki ng ating manpower na maaari nating gamitin para palaguin ang ating ekonomiya, na pupwedeng isalin sa mas-maunlad at mas-produktibong mamamayan. Iyan po ang ibig sabihin ng "duyan ka ng magiting": kahit na napakaraming hinaing ikinakaharap nating mga Pilipino, masigasig pa rin nating hinaharap ang mga hamon sa buhay at binibigyan natin ng karampatang lunas para sa ikauunlad ng ating mga sarili, pamilya, at bansa. Kung pupwede lang nating magbigay-pugay sa ating mga OFW araw-araw sa pamamagitan ng Facebook, Twitter, YouTube, o telepono...
Magiting talaga ang mga Pilipino. Hindi sumusuko sa mga hamon ng buhay. Kahit na napakahirap na problema, kinakaya natin at binibigyang-aksyon ang mga ito. Magbigay sana ng leksyon ang mga ginawa ng Singapore, China, at South Korea na kahit na sila ay hirap noon ay marunong ding tumayo sa kani-kanilang mga paa at gumawa ng kanilang mga kapalaran para sa ikauunlad ng kani-kanilang mga bansa. Sana, mapalitan na ng kagitingan ang kahirapan. Sana, mapalitan na ng kasipagan ang katamaran.
Ang mga Pilipino ay isa nga sa pinakamasasayang tao sa buong mundo, kaya maaari tayong umunlad at umasenso kung lahat tayo ay magiging magiting, tapat, at masipag sa ating kapwa. Iyan ang maari nating ipagmalaki sa mundo -- "It's more fun to be Filipino. It's more fun to be in the Philippines."
Alam nating mga Pilipino na ang turismo sa Pilipinas ang isa sa mga pinakamahalagang industriyang magpapaunlad sa ating bayan. Ngunit, sa ilang taon kong tinawag na tahanan ang bansa, lalo na ako'y nakatira sa kalakhang Maynila, napansin ko nang mas-masinsinan ang mga baho ng ating bansa, tulad ng katiwalian, krimen, at kumpadre-kumadre system, na ang mga iyon ay nakakatulong sa pagwasak ng ating imahe sa mata ng mga dayuhan.
Alam rin natin na mayaman ang ating bansa sa mga magaganda at katangi-tanging tanawin na bibihira lang makita sa ibang panig ng mundo, tulad ng coral reefs at ang Underground River ng Palawan, Chocolate Hills at tarsier ng Bohol, Mayon Volcano at butanding ng Bicol, at iba pa. Ngunit, may mga lugar rin na dahil sa ganib at kapabayaan, nasisisira ang ganda ng ating mga kabundukan, ilog, at karagatan na nagiging dahilan ng mga baha, pagguho ng lupa (landslide), at pagwasak ng mga komunidad, tulad na lang noong nangyari sa Bagyong Sendong na tumama sa Iligan at Cagayan de Oro, o ang mga Bagyong Ondoy at Pepeng na puminsala ng libo-libong bahay sa Kamaynilaan at mga karatig probinsya.
Kaya noong nalaman ko ang bagong mukha ng turismo sa ating bansa, pinamagatang "It's More Fun in the Philippines", nagduda agad ako sa kinahihinatnan nito. Malamang, ako'y natutuwa na nakabuo ng panibagong slogan na pupwedeng magdala ng pera, mga dayuhang turista, at pagkilala ng ating bansa sa mayamang kasaysayan, masaganang pag-unlad, at mainit na pakikisalamuha sa kapwa. Subalit, ang gusto ko ring itanong sa Kagawaran ng Turismo ng ating bansa ay ang mga sumusunod:
Papaano po ninyo tutugunan ang mga isyu ukol sa mga kaguluhan sa Mindanao?
Nadala na ba kayo sa mga nangyayari sa ating kalikasan buhat sa pagkakalbo ng ating mga kagubatan at pagdumi ng ating mga daluyang tubig?
Ano ang silbi ng bansa na dahil sa korupsyon at burukrasya ay naiiwanan na tayo ng ibang bansa sa Asya pagdating sa proyektong pang-imprastraktura, lalo na ang NAIA ay binansagang isa sa mga pinaka-pangit na paliparan sa buong mundo?
Papaano po kayo tutulong sa mga airlines ng Pilipinas na nagdurusa pa rin sa Category 2 status ng FAA mula sa Amerika at pinagbabawal pa ring ipalipad ang mga eroplano nito sa Europa?
Kung naging matagumpay ang kampanyang ito, sinyales na ba ito ng pagbabagong-mukha, pagbabagong-ugali, at ganap na pagkilala ng ating bansa na isang magandang puntahan at pasyalan ng mga dayuhan?
Pasensya na at marami akong tanong na puwede kong ibato, hindi lang sa mga opisyal ng pamahalaan, kundi sa atin ring mga mamamayang Pilipino. Kahit na ako'y naninirahan sa Amerika, ipinagmamalaki ko pa rin ang aking pagka-Pilipino. At ngayong nakabuo na ng slogan ang Kagawaran ng Turismo na nagpapakita ng ganda ng ating bayan, sana naman, bawasan na ang pagbabato ng sisihan, pagiging tamad at ganib, at pag-abuso ng kapangyarihan ng pamahalaan at ating kalikasan. Magtulungan na tayo sa paghatid ng balitang maganda ang Pilipinas: natatangi ang ating bayan dahil sa dami ng mga pulo nito, mayaman sa kasaysayan at kasarinlan ang makikita mula sa mga Igorot ng Baguio hanggang sa mga Badjao ng Mindanao, at maraming pwedeng pasyalan ng mga tao--natural at gawang-tao--na maaari nating ipagmalaki.
It's much more fun in the Philippines than anywhere else in the world -- ipagmalaki ang sariling atin!
Ang blog na ito ay sadya kong ginawa para iparating sa inyo ang aking mga opinyon at ideya tungkol sa mga isyung may kinalaman sa Pilipinas, at gusto kong ilabas ang aking mga saloobin sa wikang Tagalog (Filipino). Ang mga diskusyong gagawin dito ay unang isusulat sa wikang Filipino bago isalin sa wikang Ingles para maintindihan ng mga mambabasa ang aking mga isyung nauukol sa mga Pilipinong nasa Pilipinas o narito na sa Amerika. Mahirap man isipin na pupwede kong gawin ang blog na ito sa wikang Filipino, ngunit, sa aking palagay, ay kailangang iparating sa ating mga kababayan ang aking mga hinain at opinyon para maramdaman ninyo ang aking mga saloobin sa mga nangyayari sa ating bansa. Ang hangarin ko ay hindi maghanap ng taong puwede kong maniubrahin para sa pansarili kong interes; sa aking palagay, gusto ko lang magbigay, sa pamamagitan ng mas-malalim na pagsusuri at kaalaman, ng husto at wastong diskusyon na sa aking palagay ay makakatulong sa pagmulat ng maraming mga mata at isip sa mga suliraning nangyayari sa Pilipinas at maghanap ng mga kaukulang solusyong naaangkop sa ating kultura at pag-uugali.
This blog is intended to be my space where I share my thoughts about Philippine issues, where I stand, and how I want to express them in Filipino. In most articles, I will do my discussions first in Filipino before translating it into English so that you will understand my stand on issues that matter Filipinos today, be it in the Philippines or Filipino Americans.